Tuesday, March 31, 2009

SONG: ANMATH1 ni Ma'am Anita [Tindahan ni Aling Nena]

This is what happens when you put me and an eraserheads cd in a car driving ALONE in heavy traffic.

ANMATH1 ni Ma'am Anita
Originally Tindahan ni Aling Nena by The Eraserheads

Isang araw...
Pumasok ako sa Anmath1 ni Ma'am Anita
Para kumuha ng quiz nya.

Pagdating ko, aking nakita,
Isang test paper na sobrang napakahaba

Natulala ako, laglag ang puso ko.
Nalaglag rin ang CALCUng hawak ko.

Napasigaw si Ma'am Anita
Ako naman ay parang nakuryenteng pusa

Kaya natanggal ang kumpyansa
Nakita ko na may tanong tungkol sa extrema

Panay ang panic ko, sa pagmamadali,
Nakalimutan pa ang pangalan ko.

Pagdating sa bahay, nagalit si nanay
Pero oks lang, kahit bagsak
ewan ko na 'nay!

[CHORUS]
ANMATH1 ni Ma'am Anita
Parang isang kursong pamparusa
Henyo lang at Deans Lister ang mga pumapasa
Pero ang tanging nais ko ay di nabibili ng pera.

Nag-aral ako ng ANMATH1 kinabukasan
Para naman maka-pasa

Ngunit sabi ni Ma'am Anita
Habang maaga'y huwag na raw akong umasa.

Sa quiz 1 zero ka
kaya sa finals nya,
Tatlong mali na lang ay babay na.

[CHORUS]

Hindi mapigil ang damdamin,
Ako'y nagmakaawang ipasa niya

Payag daw siya kung araw-araw
Ay meron akong sinasagutan na problema

Ako'y pumayag at pinasagutan niya
Ang kanyang napakahirap na problema

Ngunit nang pinasa na,
Siya'y tumalikod na
At iniwan akong nakatanga.

[CHORUS]

ANMATH1 ni Ma'am Anita
Dito naubos ang aking pera
Araw-araw ay naghihintay
O Ma'am Anita, plis naman, maawa na

Alam n'yo ilang quiz pinasa ko?

Wala... (O Diyos ko!) Wala.. .

0 comments: